Showing posts with label Guest Post. Show all posts
Showing posts with label Guest Post. Show all posts
Sunday, February 22, 2009

Culture Shock

Guest Post #4
Mga Kwentong Dubai Part 4
Ni: Codename Tasuki
Originally Posted 20 July 2006 BarkadaAdvisory YahooGroup

*******

Isa sa mga pinakamahirap na pagsubok na hinarap ko nang unang dating ko dito sa Dubai ay ang pagsaulo ng mga panaglan at mukha ng mga tao. Maliban sa mahirap ibigkas ang mga pangalan, halos nagkapare-pareho pa ang tunog. Ang mga mukha naman ay halos magkahalo-halo na. Kumbaga sa tinapay, sabay-sabay tinimpla at niluto sa isang pugon. Kaya… ang mga mukha nila ay mass-produced.

Halos malito na nga ako sa office dahil magkamukha ang aking Director at ang aming messenger. Kapag hindi naka neck tie ang boss ko, pwede silang ipagpalit ng upuan ng kanyang utusan. At maniwla kayo at sa hindi, ang pangalan ng boss ko ay Pramood. Samantalang ang pangalan naman ng messenger ay Vincent.

Syempre, kung may mga common faces, meron din namang mga outstanding looks. Kung kaya naman ang isa naming kasama sa office ay sobrang kinikilig sa kasama naming Lebanese.
Si Nati ay isa ding Pinay, may asawa at dalawang anak sa Pilipinas. Pero kapag nakikita niya ang kasama naming Lebanese, bumabalik siya sa pagkadalaga. Ilang beses na pinupuna ni Nati na ang mga ibang lahi ay yumayakap at humahalik sa isa’t isa kapag nagkikita, kahit parehong mga lalaki. Noong isang linggo, napabalita na ang Lebanon ay binomba ng Israel. Kaya mas naging malapit ang mga Lebanese sa kinilang mga Muslim brothers gaya ng mga Jordanian, Syrian, at iba pang mga Arabs.

Kaya naman nakahanap ng pagkakataon si Nati na kunwari makiramay. Nagsimula na siyang lumapit sa mga Lebanese at kunwari naki-osyoso. Isang araw, naitanong niya sa crush nya… “Why do you embrace and kiss whenever you see each other?”


Sagot ng Lebanese… “Well its part of our tradition.”

Di na nag aksaya ng panahon si Nati. Niyakap nya ang mamang gwapo at hinalikan. Sabay sabi… “You know, I am beginning to like your tradition.”

Pero huwag ninyong isipin na tayo lang ang naguguluhan sa kanila. Malamang, nalilito din sila sa atin.


Gaya ng isang Pakistani taxi driver na nasakyan ko noong isang araw. Di siya mapakali habang nagmamaneho. Siguro hindi na siya makatiis, tinanong niya ako… “Are you Chin? Chin?”

Sagot ko… “What’s Chin?”

Sabi niya… “Chin… from China.”

Sabi ko sa kanya… “Oh no. I am not Chin. I am Japs”

Napangiti ang driver at sinabi… “Oh, I see.”


Based on my true experience… igalang ang Copyrights.
Tuesday, January 6, 2009

Utang na Loob

GUEST POST #3
NI: CODENAME TASUKI
Originally posted BarkadaAdvisory Yahoogroup June 24, 2006
Mga Kwentong Dubai Part 3




Maunlad man daw ang isang bansa, nauuso pa rin ang pila.

Gaya noong isang linggo, ako’y nasa isang clinic para magpa-medical exam. Alas osto pa ang bukas ng clinic, pero alas siete pa lang ay mahaba na ang pila. Nagkataon na may dala pa akong malaking bag dahil papunta pa ako sa isang cliente pagkatapos ng exam. Buti na lang maayos din ang mga tao dahil may mga Arab facilitators na nag-aayos sa daloy ng pila. Pagkatapos ng isa’t kalahating oras, malayo pa rin ako sa x-ray room. Bigla na lang may lumapit sa aking isang facilitator na naka-kandura… Arabic national costume, mahabang puting damit at may puting tela sa ulo.

My friend, may I see your papers? Tanong ng Arabo. Oh, so you’re new here… come with me.


Dinala niya ako sa pinto ng x-ray room at isiningit sa pila. Syempre, umasim ang mukha ng lahat ng tao sa lalo na ng ibang mga Pinoy. Maya-maya pa ay may isa ding Pinay na may kasama ring Arab facilitator at isiningit din siya sa pila. Marami din siyang dala-dalahan. Naisip ko tuloy, baka naawa sa amin ang mga facilitators. O di kaya, baka nahalata din nila na may trabaho pa kami pagkatapos.

Paglabas ko ng x-ray room, dinala na naman ako ng facilitator sa blood testing room at isiningit uli sa pila, mismo sa harap ng isang Vietnamese. Mukhang nagalit pa nga ang Vietnamese kaya lang wala siyang magawa sa Arabo. Pagkatapos ng huling exam, tinawag na naman ako ulit ng facilitator at siya pa ang naglagay ng band aid.


Come, come my friend. Just follow me. Sabi ng Arabo habang palabas kami ng clinic. Come, I will take you home… Aba, e di feeling artista ako. Ako lang ang may special treatment. At akalian nyo, may libre pa akong hatid. Tiningnan niya ang ulit ang laptop bag ko… Oh, are you still going to work? Ok, I will bring you to your office.

Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Di ako makapag-isip at sumusunod lang ako sa kanya. Siguro gawa ng maraming dugo na kinuha sa akin. Napansin ko na lang palabas na pala kami ng gate ng clinic compound. Huminto ako sa paglalakad. Tinanong ko sa sarili ko… kung facilitator siya, bakit nasa labas naka park ang sasakyan niya? At bakit wala siyang ID o name tag man lang? Tinawag ako ulit ng Arabo…
Oh come on my friend, my car is there outside. See? See? I am helping you… don’t worry.

Biglang bawi ako. Oh! Wait! I still have a friend there inside the clinic. I still have to wait for him. Sumagot ang Arabo… What? You should have told me… I will also help him. Come, tell me where he is. Lagot, wala akong maituro na kaibigan sa loob. Sinagot ko ang Arabo… We’ll just wait for him here outside.



Kahit mainit ok lang sa akin. Siguro, di nakatiis ang Arabo… Ok. I’ll get inside but just stay here… I’ll get your cell number. Sagot ko… I don’t have a cell number yet because I’m new here. Tourist are not allowed to buy SIM cards right? Sabi nya… Ok then, just get my number. E di kumuha din ako ng lapis at papel at inilista ang number niya. ALI daw ang kanyang pangalan.

Pagpasok ni Ali sa clinic, mabilis akong lumabas sa gate kahit mabigat ang laptop at nanghihina pa ako. At kahit gutum na gutom na ako, sumakay na lang ako sa taxi papunta sa cliente at baka makita pa ako ni Ali.

Ang tanong ko sa bayan…
Ako ba ay walang utang na loob?

Ang tanong ng bayan…
Ano na kaya ang nangyari doon sa Pinay na may kasama ding Arab facilitator?


Based on my true experience… igalang ang Copyrights.








*******



sabi ni Tasuki hindi na lang raw s'ya gagawa ng blog n'ya... mag i-iskwat nalang daw s'ya dito sa espasyu ko... amp! pero ok naman at may matino akong ma ipost kapag kinakakalawang ang utak ko... hihihihi

nung una, sabi n'ya censored daw ito. pero nang mailabas n'ya ang MKD part 10, nawalan ng censor appeal itong part 3... kakatakot nmn isipin kng ano pa ang mangyayari sa kanya para maging hindi censored and part 10!!! *sign of the cross*
Friday, November 28, 2008

Wanted: Hygiene

GUEST POST
MGA KWENTONG DUBAI PART II
NI: CODENAME TASUKI






*******


Sina Bell at Sheena ay iilan lamang sa mga sampung babaeng auditors dito sa aming kompanya. Si Bell ay Pinay samantalang si Sheena naman ay Indiana. Minsan nagsama ang dalawa sa isang audit engagement.

Sheena: Oh Bell, it seems that your hair is wet every morning. Do you wash it everyday?
Bell: Of course. How about you?
Sheena: Well, I haven’t washed my hair for five days now. Maybe tomorrow I will.

Confidence level: 95%


Si Shubu naman ay isa ding Indiano na nakasama ko sa isang cliente. Sa lahat ng mga kasama kong Indians, parang sya ang pinakamalinis manamit. Marunong din sya ng kaunting Filipino. Minsan pagkatapos naming kumain, nagkasabay kami sa banyo. Nakita nya akong nagsisipilyo.

Shubu: Pare… kamusta? Do you really brush your teeth every after meal?
Tasuki: Yes of course.
Shubu: Well, that’s a very good habit. Do all Filipinos do that?
Tasuki: Hmm… not all. But most of the times we do. And you?
Shubu: Well, I only brush twice a day, once in the morning and once in the evening. And when I’m only at home, I do not use that paste.

Confidence level: 99%



Based on my true experience… igalang ang Copyrights.


(June 7, 2006)







*******


Dahil sa post na ito nalaman kong dapat palang ipagmalaki ang hygiene practice ng mga Pinoy! :D
Woohoo! Wave your tooth brush in the air!

Mabuhay tayong lahat!

:D

Monday, November 17, 2008

Guest Post: "Langaw"

MGA KWENTONG DUBAI Episode 1
Ukol sa Totoong Karanasan ni Codename: TASUKI
Unang nabasa sa BarkadaAdvisory YahooGroup, May 24, 2006
*******

LANGAW

Dito sa Dubai, di na uso ang daga, ipis, langaw, lamok at langgam dahil malinis ang paligid. Isang araw nang pauwi na ako, sumabay ako sa bus ng aking cliente. Sa lood ng bus, nag-iisa lang akong Pinoy. Lahat puro Pana, Langka at Patan (Indian, Sri Lankan and Pakistani). Bigla na lang akong nagulat nang may nakita akong langaw na lumilipad. Akalain mo nga naman, sa loob ng isang buwan kong pag-iikot, nakakita din ako ng langaw. Ang sikat na langaw ay walang ibang dinapuan kungdi ang inyong abang lingkod. Naisip ko tuloy, siguro nga dito sa Dubai ang mga mababango lang ang dinadapuan ng langaw. O di kaya, Pinoy din ang langaw at natuwa sya nang nakita nya ang kanyang kababayan.

Based on my true experience… igalang ang Copyrights.






*******


Tungkol kay Codename: TASUKI:

Isang kabarkada mula ng hayskul. Kasalukuyang naghahasik ng lagim at magandang amoy sa bansa nang Dubai. Ang financier nang barkada sa christmas parti kahit man sya ay present o hindi. Kelangan lang padalhan nang proweba nang tamang paggamit ng kanyang kontribusyun kahit na picture lang ng aming mga paa suot ang biniling medyas para makapag-bowling! I tell you sinulit namin ang pinadala nyang pera. Exhibit A:






Bakit Tasuki? Kasi mahilig sya sa anime at peborit nya ang karakter ni Tasuki sa Fushigi Yuugi. Yun lang po at wala na talaga syang maalalang magandang pen name.. nyahahaha.

Abangan ang susunod na kabanata!

:D