Sunday, February 22, 2009

Culture Shock

Guest Post #4
Mga Kwentong Dubai Part 4
Ni: Codename Tasuki
Originally Posted 20 July 2006 BarkadaAdvisory YahooGroup

*******

Isa sa mga pinakamahirap na pagsubok na hinarap ko nang unang dating ko dito sa Dubai ay ang pagsaulo ng mga panaglan at mukha ng mga tao. Maliban sa mahirap ibigkas ang mga pangalan, halos nagkapare-pareho pa ang tunog. Ang mga mukha naman ay halos magkahalo-halo na. Kumbaga sa tinapay, sabay-sabay tinimpla at niluto sa isang pugon. Kaya… ang mga mukha nila ay mass-produced.

Halos malito na nga ako sa office dahil magkamukha ang aking Director at ang aming messenger. Kapag hindi naka neck tie ang boss ko, pwede silang ipagpalit ng upuan ng kanyang utusan. At maniwla kayo at sa hindi, ang pangalan ng boss ko ay Pramood. Samantalang ang pangalan naman ng messenger ay Vincent.

Syempre, kung may mga common faces, meron din namang mga outstanding looks. Kung kaya naman ang isa naming kasama sa office ay sobrang kinikilig sa kasama naming Lebanese.
Si Nati ay isa ding Pinay, may asawa at dalawang anak sa Pilipinas. Pero kapag nakikita niya ang kasama naming Lebanese, bumabalik siya sa pagkadalaga. Ilang beses na pinupuna ni Nati na ang mga ibang lahi ay yumayakap at humahalik sa isa’t isa kapag nagkikita, kahit parehong mga lalaki. Noong isang linggo, napabalita na ang Lebanon ay binomba ng Israel. Kaya mas naging malapit ang mga Lebanese sa kinilang mga Muslim brothers gaya ng mga Jordanian, Syrian, at iba pang mga Arabs.

Kaya naman nakahanap ng pagkakataon si Nati na kunwari makiramay. Nagsimula na siyang lumapit sa mga Lebanese at kunwari naki-osyoso. Isang araw, naitanong niya sa crush nya… “Why do you embrace and kiss whenever you see each other?”


Sagot ng Lebanese… “Well its part of our tradition.”

Di na nag aksaya ng panahon si Nati. Niyakap nya ang mamang gwapo at hinalikan. Sabay sabi… “You know, I am beginning to like your tradition.”

Pero huwag ninyong isipin na tayo lang ang naguguluhan sa kanila. Malamang, nalilito din sila sa atin.


Gaya ng isang Pakistani taxi driver na nasakyan ko noong isang araw. Di siya mapakali habang nagmamaneho. Siguro hindi na siya makatiis, tinanong niya ako… “Are you Chin? Chin?”

Sagot ko… “What’s Chin?”

Sabi niya… “Chin… from China.”

Sabi ko sa kanya… “Oh no. I am not Chin. I am Japs”

Napangiti ang driver at sinabi… “Oh, I see.”


Based on my true experience… igalang ang Copyrights.

No comments: