Tuesday, January 6, 2009

Utang na Loob

GUEST POST #3
NI: CODENAME TASUKI
Originally posted BarkadaAdvisory Yahoogroup June 24, 2006
Mga Kwentong Dubai Part 3




Maunlad man daw ang isang bansa, nauuso pa rin ang pila.

Gaya noong isang linggo, ako’y nasa isang clinic para magpa-medical exam. Alas osto pa ang bukas ng clinic, pero alas siete pa lang ay mahaba na ang pila. Nagkataon na may dala pa akong malaking bag dahil papunta pa ako sa isang cliente pagkatapos ng exam. Buti na lang maayos din ang mga tao dahil may mga Arab facilitators na nag-aayos sa daloy ng pila. Pagkatapos ng isa’t kalahating oras, malayo pa rin ako sa x-ray room. Bigla na lang may lumapit sa aking isang facilitator na naka-kandura… Arabic national costume, mahabang puting damit at may puting tela sa ulo.

My friend, may I see your papers? Tanong ng Arabo. Oh, so you’re new here… come with me.


Dinala niya ako sa pinto ng x-ray room at isiningit sa pila. Syempre, umasim ang mukha ng lahat ng tao sa lalo na ng ibang mga Pinoy. Maya-maya pa ay may isa ding Pinay na may kasama ring Arab facilitator at isiningit din siya sa pila. Marami din siyang dala-dalahan. Naisip ko tuloy, baka naawa sa amin ang mga facilitators. O di kaya, baka nahalata din nila na may trabaho pa kami pagkatapos.

Paglabas ko ng x-ray room, dinala na naman ako ng facilitator sa blood testing room at isiningit uli sa pila, mismo sa harap ng isang Vietnamese. Mukhang nagalit pa nga ang Vietnamese kaya lang wala siyang magawa sa Arabo. Pagkatapos ng huling exam, tinawag na naman ako ulit ng facilitator at siya pa ang naglagay ng band aid.


Come, come my friend. Just follow me. Sabi ng Arabo habang palabas kami ng clinic. Come, I will take you home… Aba, e di feeling artista ako. Ako lang ang may special treatment. At akalian nyo, may libre pa akong hatid. Tiningnan niya ang ulit ang laptop bag ko… Oh, are you still going to work? Ok, I will bring you to your office.

Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Di ako makapag-isip at sumusunod lang ako sa kanya. Siguro gawa ng maraming dugo na kinuha sa akin. Napansin ko na lang palabas na pala kami ng gate ng clinic compound. Huminto ako sa paglalakad. Tinanong ko sa sarili ko… kung facilitator siya, bakit nasa labas naka park ang sasakyan niya? At bakit wala siyang ID o name tag man lang? Tinawag ako ulit ng Arabo…
Oh come on my friend, my car is there outside. See? See? I am helping you… don’t worry.

Biglang bawi ako. Oh! Wait! I still have a friend there inside the clinic. I still have to wait for him. Sumagot ang Arabo… What? You should have told me… I will also help him. Come, tell me where he is. Lagot, wala akong maituro na kaibigan sa loob. Sinagot ko ang Arabo… We’ll just wait for him here outside.



Kahit mainit ok lang sa akin. Siguro, di nakatiis ang Arabo… Ok. I’ll get inside but just stay here… I’ll get your cell number. Sagot ko… I don’t have a cell number yet because I’m new here. Tourist are not allowed to buy SIM cards right? Sabi nya… Ok then, just get my number. E di kumuha din ako ng lapis at papel at inilista ang number niya. ALI daw ang kanyang pangalan.

Pagpasok ni Ali sa clinic, mabilis akong lumabas sa gate kahit mabigat ang laptop at nanghihina pa ako. At kahit gutum na gutom na ako, sumakay na lang ako sa taxi papunta sa cliente at baka makita pa ako ni Ali.

Ang tanong ko sa bayan…
Ako ba ay walang utang na loob?

Ang tanong ng bayan…
Ano na kaya ang nangyari doon sa Pinay na may kasama ding Arab facilitator?


Based on my true experience… igalang ang Copyrights.








*******



sabi ni Tasuki hindi na lang raw s'ya gagawa ng blog n'ya... mag i-iskwat nalang daw s'ya dito sa espasyu ko... amp! pero ok naman at may matino akong ma ipost kapag kinakakalawang ang utak ko... hihihihi

nung una, sabi n'ya censored daw ito. pero nang mailabas n'ya ang MKD part 10, nawalan ng censor appeal itong part 3... kakatakot nmn isipin kng ano pa ang mangyayari sa kanya para maging hindi censored and part 10!!! *sign of the cross*

No comments: