Pero. Meron akong sabit sa nakalipas na term. May incomplete ako. *huhuhuh* For the first time in the history of my academic life I received an “INC” rating. Kahit ako man ay hindi makapaniwala na nakatanggap ako ng markang ganito. Sa totoo lang, nung undergrad pa lang ako, super-praning ata ako sa pagsubmit nang mga requirements, assignments at projects, pagkuha nang quizzes, long exams at finals, paglahad nang research at reports. Halos hindi ako makatulog kapag alam kung meron akong gawaing pang-skwela na hindi ko tinatapos… Pero ngayong nasa grad skul na, at sariling sikap ang pag-ipon nang pang-tuition, ay dito naman ako nakakuha nang kumpyansa na magmaktol sa klase at hindi magsubmit ng requirements.
Isa-isahin natin. May dalawang final paper na kaylangang tapusin sa panghapon kung klase. Ito ay (una) mag-interview, mangalap nang impormasyun, at gumawa ng assessment sa isang guidance program sa isang napiling hayskul, at (pangalawa) gumawa nang training needs assessment nang mga guidance counselors sa lungsod nang Iloilo. Dahil nga groupwork ito minabuti naming tatlong magkakasama na hatiin ang paggawa nang final output. Magsi-email nalang nang mga nagawa para hindi na kaylangan mag-meet.
Ngunit, maglilimang lingo na at hindi pa rin namin natatapos kahit man lang draft ng mga ito. Reverse social loafing ata ang nangyari dito. Tsk! Dahil alam naming hindi naman ginagawa nang bawat isa ang mga nakatokang gawain ay mistulang tinamad narin kaming tuunan ito nang pansin. Haaay!
Natatandaan ko pa ng kapanahunan sa kolehiyo na nag pwamis kay Lord na hindi na, at hindi na magkaka-cram sa tuwing magtapos ang semester at nakahilira na ang sandamakmak na deadlines at exams… Waaaah! Those were the days na hindi ko na gusto maulit pa!
Pero, ok narin ito kahit papano. Kasi ngayon ko lang nalaman na kapag pala “INC” ang grade mo, may isang taon ka para maka-comply sa requirements mo. Bakit ba walang may nagsabi nito sakin nang college pa ako???!!! Di sana, may alebyo ang nerbyus ko tuwing magkaharap kami ni Mr. Cram at Ms. Puyat. Di sana nakatikim ako nang tinatawag na social life at gimik. Di sana, di sana… hindi pa ako nakatapos ngayon! *wahahahaha*
Ay ewan… Matatapos naman namin ito (I hope!). Pero ngayon pasalamat na akong nakapag-enroll na! Bagong simula, ika nga…
At para may proweba, at souvenir narin, ito ang pictures!

4 comments:
ako gustong gusto ko yung nagcacram.. mas gumagana ata utak ko kapag napepressure... sabagay.. paano gagana ang isang bagay kung wala naman siya.. *toink* ayos.. talagang pinost ang kanyang INC.. proud na proud!
teheh.. syempre pot.. perstaym eber nakakuha ako ng markang INC. milestone yan! (lol)
pressure is good. but better pa rin maging prepared ahead i've found based on my experience in the corporate world. :D
uy 'pol, me incomplete ka na pala? hehehe
ok lang yan, buti ka pa nga isa lang, ako marami hahaha lol dati yun,.. ngayon wala kasi uno (naks proud)
that's great! hahahaha... i just want to put up a good front but in truth i'm kinda worried.. (lol)
Post a Comment