Monday, November 10, 2008

Ekskyus Litir

Kung sino man ang nandito:

Sorry sa pangungulit ko na bisitahin ninyo ang aking blog site na wala naman akong bagong post. Gusto ko lang naman i-share ang pinaghirapan kong bagong widget (Anodyne, Project Chicken Pox) at ipaalam sa inyo na inupdeyt ko narin ang aking profile. *nguso sa kanto* Andun po o.. sa may bandang ibaba sa kanan (kanan nga ba ang right? sori lumalabas pagkabobo ko sa direksyun).

Sana naman po ay mabigyan ninyo nang kunting pag-intindi ang aking kahinaan at naway magkaroon kayo nang maraming super-powers sa buhay.

Ang inyong alalay,


tHe araChne


Pi-eS. Kasalukuyan po akong nakikisuyo sa isang gwapo, tapat, at henyung kaibigan na pagbiyan akong makapaglathala nang kanyang ubra maestra sa aking mumunting sulok nang blogosphere. Ina-antay ko pa pong matanggap ang kanyang gawa upang ma-edit.

Abangan po ninyo!

:D

No comments: