gusto ko sanang mag-post ng stalker mode kuha ng kamera ni markky at ang proweba ng pagbuo ko ng IQ sphere ng BBF, pero nawawala ang flashdisk ko... huwaaah!
snif snif...
pero dahil nga sabado ngayon, at wala akong pasok, nakapanood ako ng mga pelikulang sadyang di ko nmn inaasahang makapagpulutan ng leksyun.. (etoh nlng ang ibibida ko sa post ko ngayon)
isa na dito ang Four Christmases nila Vince Vaughn and Reese Witherspoon. (mejo biased ako kasi saludo na talga ako kay Reese Witherspoon magmula ng makita ko ang Legally Blonde ---> tandaan nyo ang "bend and snap" n'ya dun? hahaha kakatuwa) enehu, bakit nga ba gusto kong ikwento ang muving etoh...
ah oo... natuwa kasi ako sa portrayal nila ng isang almost perfect na modern relationship. dalawang taong nagkakaintindihan sa level of commitment nila at sa pag enjoy sa isa't isa. pero ng mabalahura ang plano nilang magbakasyon sa fiji ng dahil sa masamang panahon at mas malas na 15-seconds of fame sa local tv, ay napilitan silang magbisita sa apat (oo 4.. di ba obvious sa taytel?!) nilang dibursyadong magulang... and nothing short of mayhem ensues!
nung una akala ko nga perfect na ang relasyun nila. maganda ang komunikasyun nila, klaro ang mga plano, at masaya ang samahan... pero ng magbisita na sila sa mga pamilya nila, dun na nila nalaman na may mga bagay pla silang hindi alam sa isa't isa, at may mga kagustuhan pala silang hindi nasasabi... i won't say kung ano ang ending... hahaha no spoilers here :p
pero, ito ang nakuha ko:
- communication is important. sometimes there can be times when it's too much but this is one thing you'd rather have more than less of.
- just because you're happy with the way things are doesn't mean that it stops there.
- set limits. don't be afraid to say what you want or settle for anything less than what you want. just beware of people who can get physical when crossed.
- you might lie to your family and not attend family events, but eventually, you'd be the one to end up missing out on things...
haaay.. buhay sana parang pelikula lng... pagkatapos ng hindi susubra sa dalawang oras ay alam mo na ang ending... happy man o hindi... pwede ka pa mag pause, fastforward, stop, repeat, at replay... :p
huki hanggang dito na muna at magpapaka OC ako!
pag-iisipan ko pa kung san ko nawala ang flash disk ko... (lechekunelong-malamig-pa-sa-umaga yun!!)
on with the show!
3 comments:
nasakin yata flash disk mo hehe. :) nice thoughts!
ei alam ko yung sa legally blonde! ilang beses ko ata siyang napanood! anyway, tama! kaya nga kahit mahal ang long distance tatawag at tatawag talaga ako kasi impt. talaga ang communication! try ko nga yan panoorin!! hmm ^^
ha?! Joshie, pano napunta sa'yo??
cyndirellaz: hunga... di nga tayo nagkakaintindihan kahit na naguusap na, pano pa kaya kng hindi? :D
Post a Comment