Wednesday, November 26, 2008

Para sa Kaalaman ng Lahat.

Dahil nga HR ako, eto ang memo para sa inyong lahat. bwahahahah

Wag mag-alala pinapa-alam ko lng sa inyo ang holidays sa buwan ng Desyembre. Yepeeh! Mahaba-haba ang panahong makapaglakwatsa at mas maraming araw na may extra pay ang mga huwarang empleyado na nagre-report kahit na non-working day.



Gamitin sa tamang paraan ang impormasyung ito.

Mga Suhestyun at Remaynders:

1) Kung meron kang leave credits, mainam na magfile ng leave para sa Dec 27 & 28 (kung hindi day-off) upang ang bakasyun ay aabot sa 8 araw. "See you next year" na lang sa papel, stapler, at bosing mo.

2) Kung wala nmn at hindi n'yo day off ang Dec 27 or 28, kelangan ay magreport kayo. Otherwise, wala kang sahud (kung hindi ka papasok) magmula Dec 29 hanggang Jan 1. Kaya ako, magrereport ako sa Dec 28. haay naku...!

3) Ang mga taong kailangan na magreport: operations para sa pinagkikitaan ng kompanya, at HR at accounting para sa payroll, please lang at wag mawala na parang lechon sa noche buena na hindi tinatapos ang gawain o walang taong mapagkatiwalaan sa mga responsibilidad nila. Ang mga malademonyong mga kampon ng iresponsableng empleyado na mga ito ay makakatanggap ng napakagandang memo galing sa HR sa pagbungad ng bagong taon... at kung HR ka tulad ko, gyera ang kahihinatnan mo kung walang sahud na matanggap ang mga tao.

4) Sulitin ang bakasyun kapiling ang mga mahal sa buhay. Wag gaanong mabahala sa mga regalo o handa. Ang importante ay maipadarama mo sa kanila ang iyong kalinga at pagmamahal.


Ayan, at meron na kayong guidelines...

Merry Christmas and a Happy New Year! Ang pasalubong at regalo ko wag ninyong kakalimutan...! wakehkehk.



Muntik na makalimutan. Etoh and reference.

(~_^)

No comments: