Sunday, November 23, 2008

hindi ako malambing

Malungkot na katotohanan. Meron ng nakapuna at marami ng nagtanong, pero kahit ano man kasakit kelangan kung tanggapani. Hindi ako malambing.

Pero hindi ibig sabihin na hindi ako marunong maglambing. Hindi rin ito nangangahulugan na hindi ko gusto maglambing o lambingin. Sino ba naman ang ayaw sa halik at yakap? Ako man ay gusto magbigay at makatanggap nito. Ngunit bihira lang talaga ang taong nakakalapit sa damdamin ko at bibilangin lang ang mga taong lumilingon sa likod ng kaswal kong pagtawa at malditahing irap.

Sa mga malapit sa akin, sa pagkain ko dinadala ang aking apresasyun at pag-alaga. Gusto ko silang ipagluto ng espesyal kung mga resipe. Cookies, brownies, muffins, pasta, salads, breakfast, lunch, or dinner. Sa ganitong paraan ko ginugugol ang paglalambing na sa pisikal na paraan ay minsan nahihirapan akong ipaabot.

Sa mga matalik kung kaibigan, maasahan naman nila akong makikinig sa kanilang mga problema’t suliranin. Alam nilang kahit ano pa man ang kanilang gawin, sabihin, o isipin hindi ko sila huhusgahan. Bagkus bibigyan nang paguunawa at kakaramput na payo.

Subalit, dahil nga amin ko namang hindi ako malambing, hindi rin ako natatakot na pagsabihan sila nang totoo, ano man kahirap sa pandinig nila, na mali o katangahan ang kanilang ginagawa, o kahangalan ang kanilang sinasabi. Hindi ko sila sasalbahin sa angal nang kanilang konsensya dahil ako pa ang mangungunang gigising dito.

Oo nga at hindi ako malambing. Pero may panahon na nangangapa ako sa dilim, sa karimlan ng madaling araw, naghahanap nang taong mayapos at yayakap din sa akin nang buong higpit. Isang nilalang na pwede kong sandalan sa oras nang pangangailangan, na kayang mag-alay nang kanyang lakas sa mga oras na hirap na ako sa pagiging matatag.

Hindi ako malambing dahil sa hindi ko gusto maging malambing. Hindi ako malambing dahil hinda pa dumating ang taong kayang tanggapin ang katibayan ko bilang isang babae. Isang lalaking hindi maghahangad na maging masunurin ako sa lahat ng kanyang gusto ditapwat rirespetuhin ang kahalagahan nang aking pagkatao.

Kung meron mang matapang na nilikha na kayang tanggapin kung ano ako… halika, at buong buhay kitang lalambingin.

7 comments:

Anonymous said...

sabi mo ei hindi ka malambing ok fine..nyahahah :)

tHe AraChne said...

mareng arnie feel na feel ko ang paglalambing mo...! tsalap...hindi! nyahahaha :P

Anonymous said...

i dare to contradict. i think it's a matter of phonemics, what may sound like lambing to some is not necessarily the same lambing to others. most troll's out there ask for the kind of lambing that could satisfy his basic needs. apol's lambing, on the other hand, offers self-actualization. so if you can't dig her kind of lambing, blame it on your psychological immaturity >.<

Anonymous said...

Kung hindi pa ba naman pagiging malambing ang tawag sa palaging pagluluto para sa kapatid eh ewan ko na lang...

tHe AraChne said...

rolan: all true.. so take this as another self-actualization exercise! >:P

kirky: hahahah kung malapit ka lng dito sa'min pagluto kita... salamat po.. taong abo! :p

Danilo Cruz Jr. said...

pagluto mo ako..ayus yan ah..busog pala ako sa lambing mo..hehehehe

tHe AraChne said...

dan, di mo nmn ako binibisita dito sa iloilo eh... dinagyang na nmn o.. :P