Saturday, November 1, 2008

Enter: Taray Queen

I’ve been thinking of making over my blog-site. Change the name, look, etc… I think I’ve been Miss Goody-Goody for too long. I need to spice up my site and live up to my new reputation of being the resident HR of Plurklandia.

Maybe then I can command some respect with the Pikon and Bugnutin types. Hmmmn? What do you think?

New Blog Site Name: Taray Queen
Banner Intro: Constrained with the Truth but believing in the adage: “Don’t say anything if you can’t say anything nice.” Be warned. If I have nothing to say to you, take it as a compliment. :D

Makahingi na nga rin nang magandang picture kay Pot. Siguro yung mga Japanese masks na ginagamit nila sa kabuki play na nakasimangot. (nyahahaha) Pangtaboy ata ng mga evil spirits yun.


******


Noong isang gabi, habang nagsusulat ako nang blog update, nakinuod ako sa dalawa kung pinsan at kapatid nang dvd. Ang entertainment choice nila: The Prom. A slasher flick starred by Brittany Snow about a young girl fatally stalked by her teacher, killed her family and three years later is attending her senior prom. Predictably, the mad-stalker gets away from prison on the day of the prom and incidentally stayed at the same hotel they were holding the party.

I don’t know why my sister loves horror-suspense flicks, to tell you the truth. Nang dahil sa hilig n’ya nkapanood ako nang The Ring (Japanese & Hollywood version), The Grudge, Dark Water, The Eye, at kung ano-ano pang titulo nang Thai kulam movies (oo, meron sila nun! At nakakatakot talaga. Promise!). Personally, mas gusto ko yung mga feel good movies, especially kapag gabi na nanonood. Mas mahimbing naman ang tulog mo pagkatapos kapag masayahing pelikula ang pinapanood mo, diba? Diba?! Pero ewan dun!

Wala akong choice kasi ginawa nilang sleep-over camp ang bahay namin dahil nagbabakasyun ang magulang at nakababatang kapatid ko sa Lola namin. Kaming dalawa lang ng Sis sa bahay kaya minabuti nilang doon narin makikikain at makikitulog hanggang sa araw ng undas. (Ewan ko lng kung ano na naman ang panonoorin nila mamaya. Haayz!)

Hindi ko mapigilan, nakatutok din ang mata ko sa tv kahit na alam kong hindi ko lang magugustuhan ang makikita ko. Sinabihan ko na silang iba nalang ang panoorin pero ala talaga. Yun ang gusto nila. Syempre pa, puro lang habulan at saksakan at patayan ang nangyari sa pelikula. Tanong ko nga sa sarili ko, ano ba ang masaya dito at parang aatakihin lang ako sa puso nang lentik na pelikulang ito. (huhuhuh)

Nang matapos ang pelikula naghanap sila nang anime movie para mawala ang kaba nila. Malas at hindi gumana ang Get Backers. Sana nanood narin ako para mapawi ang nerbyos ko. Pero hindi, isa na namang suspense thriller ang gumana. Sus Maria! Tinapos ko nalang ang editing ko at umakyat sa kwartu.

Bahala kayo sa mga multo!

6 comments:

Anonymous said...

ako nahilig ako sa horror nung napanood ko ang ring (japanese version) .. matatakutin kasi ako dati.. pero ngayon natatawa na lang ako.. hihihi ganun pala yun.. pag nasanay ka na.. parang nagiging comedy na ang horror...

tHe AraChne said...

totoo yan pot. yung nakatatandang kapatid ko na lalaki gusto kung kasama manood ng horror flicks kasi tawa lng ng tawa ginagawa nmin. ewan ko rin ba dun, mas me tupak kesa sa youngers sis ko.. pero hindi ko talaga kaya magisa.. waaah!

Anonymous said...

ako. online lagi sa internet to watch various movies.. sometime nakak jockpot ako nang porn movies, hehe, but i wasn't aroused in it play.. i love romance movie coz my heart beat is raising and the same time im crying.. sa horror movie naman, my sister was always laughing tat me because you know what! I CRIED, like i was watching a drama. Literally umiiyak ako, per not that iyak na natatakot but iyak na tumutuo lang tears ko. basta umiiyak ako when watching horror movies.. parang gripo.. nyahaha

tHe AraChne said...

gripo? watta?? hahaha lime, sure ka horror watch mo?

Anonymous said...

mahilig ako sa horror, hihi..ewan ko ba..pero pansin ko lang isa un sa mga gamot ng mga taong matatakutin..kung gaano katibay ang sikmura mo..sa totoong buhay na-aadopt ko..life is a big mistake over and over ngay..nyahahah

tHe AraChne said...

i dunno, arn. I'm fairly level-headed in real life. Matibay nmn sikmura ko. pero i just can't take the suspense.. siguro because it makes me feel helpless. kasi kng real life siguro ako pa magha-hunting ng slasher kesa ako ang i-hunt nya. wahahahaha