Nung nakaraang gabi may nakasabay ako sa jeep na lalaki na nagso-solve nang Rubik's. Nung una kong nakita, dalawang layer na ang natapos n'ya. So, sabi ko, "Ok! Alam n'ya pano magsolve. Di ko kelangan mag-ngitngit sa kakapigil sa sarili ko magturo." (Di naman halata na OC ako ano?)
Nakapuwesto ako sa likuran niya (nasa front seat yung mama) at ang magaling na driver nag-antay nang iba pang sasakay...
Di maiwasan, nakikita ko habang tini-twist n'ya ang cube. Pero habang nag-aabang nang pasahero yung driver, inaabangan ko narin kung pano niya inu-ulit-ulit ang sequence of moves na parang subra pa sa sirang plaka kaka-irita at kakahilong tingnan! Naman!
Nabuo, undo. Buo, undo. Buo, undo. Paulit-ulit! Hanggang umusad ang jeep makalipas ang sampung minuto! Parang sisigaw na ako na tatawa na sasabunutan ang sarili sa kakapigil sa sarili ko na 'wag (at 'WAG) akong maki-alam sa Rubik's nang iba!
Nag-text na ako sa kaibigan ko. Nanghingi nang moral support habang nagka-countdown ang mala-bombang timer nang katinuan ko!
Huhuhuhu.. Torture!
Di ko namalayan, ako nalang mag-isang pasaherong di pa nakababa. Tanong nang driver, "Miss saan ka?" Sagot ko, "Dyan lang po sa me Robinsons." Pero sana sinabi ko nalang, "Manong, itabi mo na lang bababa na ako." (ggggrrrrrrr)
Lang hiya! Parang aagawin ko na ang Rubik's nang makita ko... sa bandang kanan... mga ilaw... Robinsons na ako! Sa wakas! Salvation!
Haaay! Sinilip ko sa huling pagkakataon ang mamang nagru-Rubik's. Tsk, Tsk. Maha-habang kalbaryo pa ang tatahakin n'ya. Pero... ako?
Bababa na! Tenkyu at bow na lang sa kanya!
At para sa inyong mala-adik na rin sa Rubiks... dito kayo pumunta: http://www.rubiks.com/
Tuesday, October 21, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment