Friday, October 31, 2008

Blog ito para sa mga idol ko

Sa totoo lang mahina ako sa Pilipino. Sa totoo lang ito ang pinaka heyt kong subject nong elementarya at hayskul pa ako (buti na lang at wala nang Pilipino sa kolehiyo). Pero nang mabasa ko si Bob Ong nagbago ang lahat. At nang madiskubre ko ang mga Pinoy blogger sa internet, mas lalong nagliwanag ang aking mundo… ok, ok, erase that bit. Exaggeration na po ‘yan. Hindi naman ganun ka dilim sa sulok ko although, come to think of it, lumiwanag nga ito nang dahil sa mga nakilala ko sa Plurk.

Be that as it may, at coño na kung coño, magsasalita este magsusulat ako nang Pilipino para sa mga idol ko. Kung sino man kayo, eh, kayo na lang ang magdiskubre.

Ngayon, dahil ang pinaguusapan natin ay mga idol, let me tell you about my crush *kilig*. Teheh. Ang crush ko ay gwapo, magaling magsalita (at may laman din ang salita), may sense of humour, hindi takot sa libro, at may prinsipyu sa buhay. Ang tawag ko sa kanya ay si *drum roll please* Cute, Articulate Guy.

Ayan naaaninag ko na naman siya sa balintatanaw nang aking imahinasyun *kilig, kilig*. And the best part, alam n’yo kung ano..? He’s out of my reach! Bahahaha.

‘Wag kayong mag-alala, hindi pa ako nawawalan nang katinuan. Ang ibig lang sabihin n’yan ay walang pag-asa na maging kami at forever s’yang magiging crush ko! Weeeh!

Let me explain ang origin nang konseptong ito. Nung hayskul kami, ang bestfriend kong babae ay may crush na upper-classman. Gwapo, magaling magsalita, may sense of humour, hindi takot sa libro, at may prinsipyu sa buhay… teka nga, parang familiar ah… Ahehehe kaya pala magbestfriend kami. At sa atin lang, kung hindi niya una sinabi na crush niya si Kuya *toot* eh di sana hinayaan ko na rin ang sarili kong magkacrush dun. Hmmmnn, kaya lang survival rule ata nang best-friendship na huwag magkaroon nang crush sa iisang lalaki. At hindi pa pumapalya ang rule na ito at mag-bestfriend parin kami makalipas nang mahigit sampung taon.

Pero balik sa topic. So ang crush nang bestfriend ko ay walang malay sa HD niya mula nung first year kami (I think crush na niya yun first year palang) hanggang magtapos kami (or kung nalaman man ay ‘di na ito nagpahalata). Nagka-girlfriend na ito at nagkasama na kami sa kung ano-anong mga skul aktibitis at gimmick ngunit dihins niya ito ginawang rason para magtapat o magparamdam man lang nang sinasa loob niya. Pero, kung kami na ang mag-usap, naku po! Drama to the max! Ngunit agree kami sa isang bagay, masarap magka-crush kapag alam mong wala tsansang magi-evolve ito sa kung ano.

Paano, tanong niyo? Well, it’s so much better to have a crush when they don’t know! Kung nagka-alaman kaya eh ‘di nawala ang kilig, ang thrill, ang secret rush tuwing nasisilayan mo ang taong para sa iyo ay tanging rason bakit ang aga-aga mong gumigising kahit na walang flag ceremony from Tuesdays to Fridays.

Malas nga lang at wala akong taong kinababaliwan nung hayskul. Sayang, sana perfect attendance ako sa Chem class ko. Sana nabawasan ang mga class period na inuukol ko sa Chem stairs dahil hindi na pwede pumasok sa klase ni Ma’am Ibabao kapag ikaw ay nali-late. Haayz…

Ang ending? Sa kalagitnaan nang turbulent highschool life namin, may napagtanto akong ilang bagay na kahit ngayon ay nakatatak parin sa aking isipan. Ang mga ito ay: Una. Masarap tumambay sa Chem stairs kapag marami kayo, nakikiharutan at tsismisan kasama ang barkada. Pero hindi masarap kapag nag-iisa ka lang umupo dito dahil na-lock out ka sa klase mo. Pangalawa. May pakinabang naman pala ang crush (huwag kang maniwala sa nanay mo, ok lang magka-crush). Hindi totoong sa lahat nang pagkakataon ay makaka-sama ito sa pag-aaral mo. Gaya nang pag-avoid nang mga Chem stairs incident tulad nang nasabi sa itaas. Pangatlo, mainam magka-crush sa taong wala kang pag-asa dahil mas maliit ang tsansa na makakahalata siya o kung makahalata man ay wala siyang pakialam at most probably ay hindi ka pahihiyain.

O? say niyo? ‘Diba it makes sense? Kung hindi kayo convinced, alalahanin niyo nalang kung anong nangyari sa mga crushes niyo dati. Saan ba ang mas intense and feeling? Yung time na walang kaalam-alam ang crush mo o yung nalaman na niya? San ba ang mas enjoy? Yung bang tumatago ka sa restroom para masilip siya sa basketball court na nasa gilid nang building o yung time na iniiwasan mo siya dahil alam mong alam na niya? Hmmnn..?

At para sa Cute, Articulate Guy ko, kapag nakabisita ka sa blog ko, mabasa mo ito, at ma-gets mong ikaw nga ang tinutukuy ko, please lang, huwag mo nang ipahalata na alam mo. Para naman hindi ako mapilitang maghanap nang iba. Para naman mapahaba ko ang aking kilig moments tuwing ma-encounter kita. Yun lang hihingin ko. Ok na ako.

Hayaan mo na lang na maging crush kita.

Disclaimer: Dahil nga ito ay nasa Pilipino, hindi gumagana ang Spell Check o Grammar Check dito. Kaya pagpasensyahan niyo na kung merong mga salita na bago niyo lang ma enkwentru. Let’s just chalk it up to artistic license. Amin ko naman na hindi ako magaling sa Pilipino. :p

4 comments:

Anonymous said...

kilala ko na crush ni apple! at di ko sasabihing si... hihihi

tHe AraChne said...

cge nga?! sino pot? sino??? bwahahahahah

Anonymous said...

nakakarelat ako dito!.. is this the crush that you were saying in plurks ate?.. hehehe

ate don't worry if you're not good in filipino, parehas lang tayo.. i am also learning tagalog, as well.. im not good in it.. pero pag bisaya(hiligaynon) kahit mag one on one pa tayo! i won't have any difficult. i remember when i was in elementary, i got low grade in filipino subject, hence with that, i was brought up in english language, then nung elementary nalang ako natutung mag-hiligaynon.

tHe AraChne said...

what did in my plurk, lime? hahaha sorry. marami ata akong crush... not! hahaha

we'll have to relearn our mother tongue when this continues. tsk!